26/05/2026
💸 Hindi lang kita ang mahalaga , kundi kung paano mo ito hawakan.
Kumikita ka nga, pero saan napupunta?
Here are 5 Simple Tips para mas maging matalino ka sa paghawak ng pera... lalo na kung nagsisimula ka pa lang sa side hustle o negosyo:
1. Maglaan ng porsyento, hindi ng natira.
📌 “Save before you spend.” Hindi ‘yung tipong “pag may sobra, tsaka mag-iipon.”
Gawing non-negotiable ang savings.
2. Gumamit ng Envelope System (or digital version).
🧾 Ihiwalay ang pambayad sa bills, savings, emergency fund, at personal allowance.
Kapag naubos ang nasa isang sobre... tapos na ‘yun.
3. I-track mo lahat ng gastos.
🧮 Kahit gaano kaliit ... 10 pesos man ‘yan o 1,000 ... kailangan alam mo kung saan napupunta pera mo.
Awareness = Control.
4. Iwasan ang “lifestyle inflation.”
🚫 Kumita ka ng extra, pero bigla kang nag-upgrade ng luho?
Huwag agad palitan ang pamumuhay ... dagdagan mo muna ang seguridad mo.
5. I-invest sa sarili mo.
📚 ‘Wag matakot gumastos sa mga bagay na magpapatalino, magpapa-skill up, o magbibigay sayo ng bagong oportunidad.
'Yan ang gastos na babalik sayo ng sobra pa.
💬 Kung natutunan mo ‘to habang maaga ... maraming sakit sa bulsa ang maiiwasan mo.
Anong tip dito ang pinaka-naka-relate ka?
Comment mo sa baba. Let’s grow smarter together. 💪