19/05/2026
CTTO
Ano bang mas magandang bilin- brand new o subasta?
Ang brand new gold, maganda talaga tingnan dahil flawless, malinis, at kadalasan latest ang design kaya perfect pang-regalo o pang-personal use. Masarap din sa feeling na ikaw mismo ang first owner at unang gagamit ng jewelry. Pero mas mahal kasi nga ‘bago.’
Ang subasta gold naman, second hand o nagamit na kaya mas mababa ang presyo. Pwedeng luma na ang design na mabili mo, may gasgas, o hindi na perfect ang itsura dahil nagamit na siya. Pero minsan, dito ka rin nakakakita ng unique at rare designs na hindi mo na basta makikita sa mga bagong labas ngayon. At kung concern mo naman ang itsura, pwede rin naman ipa-polish para magmukhang brand new ulit, pero syempre may additional cost din yun na kailangan i-consider. Ganon pa man, basta tunay na ginto, may value pa rin dahil ginto pa rin naman siya.
Sa huli, depende pa rin yan sa preference at goal mo. Kung gusto mo ng fresh, bagong design at ikaw ang first owner, edi mag brand new ka. Pero kung okay lang sayo kahit subasta at hindi ikaw ang unang may-ari, at okay lang din kahit may konting gasgas o signs of use ang alahas basta tunay na ginto at mas practical sa presyo, edi mag subasta ka. Basta anuman ang mapili mo, parehong panalo yan dahil pareho pa ring may halaga.
✨️Madam Digger💛