26/06/2026
This is a post from our kapwa seller na nasa BNS.
Yes po! Kalat na kalat na kalat na ang bomba gold!
Kahit anong pag iingat namin sa inyo kung makakatagpo kayo ng ganito wala na kami magagawa.
Paano maiwasan?
Una, umiwas at magtanong sa sobrang baba ang presyo.
Mag isip kana kung bakit napakalayo ng presyohan niyan sa mga premium quality items na totoo.
Matigas yan. Solid. Pero bakit sobrang baba?
Pangalawa, sa wording palang na “piling pawnshop”
Mag isip kana… bakit piling pawnshop lang at hindi lahat ng pawnshop. Piling pawnshops means “ yung pawnshop na pwede maloko matatanggap yan” dahil bakal lang po ang loob niyan.
Mainam maging maingat ka. Hanggat maari mag stick kana sa seller na meron ka na matagal ng legit at totoong quality at sure ginto ang binibenta sa inyo.
Gusto kong sabihin sa inyo madami pa rin kaming matitinong seller na hindi pera pera lang makabenta lang kahit bomba pa ibenta.
Choose your seller wisely! Kahit sa amin man kayo bumili o hindi. Triple ingat dapat sa bibilhan.
Dati akong nagsasabi ng “iharap mo sakin kung meron bang live seller na nagbibenta ng fake at nang iiscam kung meron ba”
Dahil “BEFORE” 100% sure ako na wala…
Pero ngayon hindi na natin masigurado yan! NO TO BOMBA GOLD!!!
Please palagi ko pina paalala sa inyo wag kayo basta basta hanap lang ng mura baka mapamura kayo!
Mag iingat!
P.S
I posted this photo with the permission of the original seller who poster it for us to also aware our network.
Thank you madam M!