26/04/2023
2023 SPORTS TOURNAMENT| AWARDING CEREMONY
Sa lahat ng mga kuponan at manlalaro sa ligang ito, isang malaking pasasalamat ang ipinababatid ng inyong SK Council. Sa inyong dedikasyon at interes sa isports, naniniwala kaming mas mapagyayabong pa ang inyong mga kakayahan sa mga susunod na taon. Tiwala sa sarili, pagsusumikap, at maging huwaran sa mga iba pang atleta ang siya nawang mamutawi sa inyong mga puso. Hindi pa ito ang huli bagkus ay simula lamang ng panibagong pagkakataon upang tayo ay matuto at mag-ensayo sa ating mga napiling isports.
Sa ating aktibong SK Council na pinamumunuan ni SK Chairman Rico Yan B. Melendez at maging sa ating Brgy Council sa pamumuno ni Punong Brgy Avelino R. Aquino, isang taong pusong pasasalamat sa suportang inyong ibinahagi upang mabigyan ang lahat ng mga manlalaro ng oportunidad na maipakita ang kanilang angking galing sa larangan ng isports.
Isang pasasalamat din para sa mga opisyales na nakasama sa Gabi ng Paggawad, Brgy Kgds. Rodnie P. Melendez, Francisco M. Aviles, Celito N. Aquino, Brgy Treasurer Elizabeth F. Aniceto, at Brgy Secretary Mariel F. Vallo, nalulugod ang SK Council na kayo'y makasama sa gabing ito.
Muli, maraming salamat at pagbati sa lahat ng mga nagsipagwagi! โค