10/04/2024
IMPORTANT TIPS PARA SA MGA GOLD BUYERS!!!👇👇👇
Ano ba ang pinagkaiba ng Solid Gold,Hollow(Ampaw) or Lightweight???
Solid Gold- made entirely of gold...Sa madaling salita, buong gold walang siwang...More expensive and highly durable. Mahal talaga..
Kahit araw arawin mo suotin ok lang...
Hollow Gold (ampaw)- empty space inside the jewelry...Hindi sya buong gold at less expensive kc nga magaan lng sya... Gawa sa manipis na gold.. Pero hindi ibig sabihin na hollow gold eh hindi na tunay at hindi na nasasanla..Made of gold padin yon, hindi lang buo..mostly neto mga bangles or hollow pendants, pag tinapyas mo may space sa loob...Less durable kumpara sa solid na buong buo ang pagkakagawa...
Lightweight Gold - from the word itself na light or magaan ang weight o timbang(hollow o ampaw din pero super gaan lang)..Usually below 1g ang mga lightweight. Nasasanla naman dahil tunay na gold padin pero wag kayo mag expect na mataas ang sanla nyan dahil mura nyo lang binili..Mostly mga lightweight ay for casual wear lamang po..Pwede niyo naman ito araw-arawin pero handle with care dapat...
Kaya sa mga nagbabalak bumili ng gold jan,magtanong muna kayo ng maayos sa seller niyo,para pag dating ng panahon hindi naman po kawawa si seller dahil sininisi niyo kung bakit napigtas agad o nayupi yung binili niyo na alahas po..
Ang quality ng gold na nabili niyo ay nakadepende din sa kapal ng budget niyo po..Kung bumili kayo ng 4k mahigit tapos dalawa na,aba po huwag kayo mag expect na solid gold po yun or yung pendant nun..😅
Sa mahal po ng bentahan ng gold ngayon uso po ang mga lightweight/hollow na buy1 take 1
lalong-lalo na sa mga gustong magkagold na alahas tapos affordable ang hanap...
Kaya kung ikaw na maselan ka sa gold at gusto mo pang matagalan,mag invest ka sa solid gold kung kaya naman ng budget mo..
Pero kung yung budget mo pang lightweight lang naman,pls lang huwag ka po magreklamo or sisihin c seller kung bakit napigtas agad or nayupi yung alahas na binili mo..Try to think po na choice niyo po ang pagbili ng lightweight/ampaw dahil yun lang ang kaya ng budget niyo..Kaya dapat marunong din kayo maghandle ng alahas na binili niyo..
"Maraming Salamat Sa Pagbabasa"...😇