09/04/2026
Ano ba talaga ang Araw ng Kagitingan?
Ito ay paggunita sa katapangan, sakripisyo, at kabayanihan ng mga Pilipino
at mga sundalong lumaban noong World War II.
Pero sa realidad ngayon?
hindi ba’t mas marami ang lumalaban sa buhay?
Mas marami ang walang trabaho,
mas marami ang naghihirap,
mas maraming OFW ang nagsasakripisyo para sa pamilya.
Mas maraming lumalaban nang patas,
mas maraming nagugutom,
mas maraming negosyong nalulugi pero pilit na bumabangon.
Kaya ang araw na ito ay paalala..
na ang tunay na kagitingan ay hindi lang nasa nakaraan.
Nasa bawat Pilipinong hindi sumusuko.
Nasa bawat pusong patuloy na lumalaban.
Nasa’yo. Nasa’tin.
Sa bawat unos, matatag tayong naninindigan,
at patuloy na tinatahak ang laban ng buhay
kahit minsan, kapalit nito ay sarili na nating pagod at sakripisyo.
Hindi lang kahapon ang may bayani
ngayon, ikaw ‘yon.
Patuloy kang lumalaban, patuloy kang bumabangon
at ‘yan ang tunay na kagitingan ng Pilipino. 🇵🇭🧡