27/06/2024
✅
Melai Cantiveros, Inamin na Hindi Tino-tolerate ang mga Pala-Asang Kamag-anak
Sa isang panayam, inamin ni Melai Cantiveros na hindi niya tinutulungan ang mga kamag-anak sa pagbabayad ng tuition fee. Ibinabalik ni Melai ang responsibilidad sa mga magulang at tinuruan silang maging independent. Sa ating kultura, madalas na inaasahan ang mga nakaka-angat na kamag-anak ang magbigay ng tulong sa anumang paraan. Ngunit tandaan, hindi natin responsibilidad ang buhay ng iba, lalo na ang mga desisyon na sila mismo ang gumawa. Ang pagiging independent at responsable sa sarili nating mga desisyon ay mas mahalaga kaysa sa i-asa sa iba.
Inamin ng komedyante na si Melai Cantiveros na wala siyang inaabot na tulong sa kanyang mga kamag-anak na nanghihingi sa kanya ng pan-tuition fee.
Sa panayam sa kanya ni Enchong Dee, ibinahagi ni Melai ang kanyang paniniwala na hindi niya responsibilidad ang anak ng kanyang mga kamag-anak.
Natutunan umano niya ito sa kanyang mga magulang kung saan ay tinuruan siyang maging responsable at huwag umasa sa iba.
“Kunyari sa mga pinsan ko, hindi ako magbabayad ng mga tuition fee nila. Hihingan ako ng kapatid ng pang-tuition, (sasabihin ko) ‘Ba’t ako magbabayad ng tuition fee ng anak mo, eh anak mo ‘yan,” kwento niya.
“Kami, bata pa lang kami, tinuruan na kami na huwag umasa. Dapat kayo maging breadwinner. Pero dapat breadwinners. Lahat kayo breadwinners ng family.
“Kunwari nagtatrabaho si Ate. Dapat nagtatrabaho ka rin. Kunyari sinabi ng kapamilya ko tuition fee, sasabihin ko, ba’t ako mag-tuition fee? Pagalitan talaga. Manginig ka talaga, partner.
“Kaya kapag responsibilidad mo, responsibilidad mo ‘yan. Kasi pinasok mo ‘yan. Hindi pwedeng ako ‘yan,”
Nilinaw naman ni Melai na nakakalibre parin naman ang mga kamag-anak niya sa kanya lalo na kapag sila'y gagala sa iba't ibang lugar.