04/30/2022
💕 GOLD BUYERS TIP!
Sa mga future buyer na gusto ng investment, huwag kayo bibili ng madaming bato at makulay na design. Walang value sa sanglaan/pawnshop yan. Kapag investment ang habol nyo mag purong solid gold kayo. Kasi ang iba gusto maganda sa paningin tapos kapag nabili na at isasanla malalaman mababa ang value. Okay lang naman bumili ng mga makulay at mabato kung pang fashion at collection ang purpose pero of course masasanla din.
Diamond, piyao at mga pampaswerte. Sa sanglaan, hindi tinatanggap ang bracelet na may Beads na may piyao or 24k lucky charm. Kelangan tanggalin ang Beads para maisangla mo si Piyao Pero badluck daw sabi nila. At mga diamonds naman, gramo lang ng ginto ang titimbangin nila dyan, walang value sa kanila ang bato na diamond. Pero makikita mo kapag nag auction sale sila, sobrang mahal ang benta nila Kasi dyan sila kumikita.
Sa mga lightweight naman like 1g below. Kaya nga po tinawag na lightweight kasi magaan na, mura pa. Huwag po magrereklamo sa mga nabilhan nyo na "ang pangit ng quality, manipis, madali maputol". Huwag po ganun kasi unang una, choice nyo po yan. Yan ang kaya ng budget nyo, yan ang hinanap nyo kaya yan ang binigay sa inyo. Kung gusto nyo po ng matibay at pang harabas, invest tayo sa mataas na grams. Pero yang mga lightweight na yan, hindi ibig sabihin sira agad. Nasa sa atin yan kung panu natin gagamitin. At sympre huwag mag expect na mataas ang value nyan sa sanglaan kasi mura nyo nabili yan kaya for sure mura din sangla nyan.
Lastly, magkaiba ang presyo sa seller at sanggalaan. Hindi po talaga same ang presyo nyan kasi kung ipapantay ni pawnshop ang per gram nila sa mga seller, eh di hindi na sila kikita. At laging may bawas sa timbang ng pawnshop sa grams na binayaran mo sa seller pero mababang mababa lang.
Kahit anu pa man ang dahilan ng pagbili mo at kahit anung design, kapag may gold ka, in the long run hindi ka pa rin lugi dahil tumataas ang value nyan. At talagang subok na yan in case of emergency. Kaya kung may budget, invest tayo kahit pakonti konti. 😊😉